Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 23 sa 111 • Tagalog


وَقَضَىٰ رَبُّكَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا ۚ إِمَّا يَبْلُغَنَّ عِنْدَكَ الْكِبَرَ أَحَدُهُمَا أَوْ كِلَاهُمَا فَلَا تَقُلْ لَهُمَا أُفٍّ وَلَا تَنْهَرْهُمَا وَقُلْ لَهُمَا قَوْلًا كَرِيمًا 23
Pagsasalin:
Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng pagkasuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal. Al-Isrā’ 17:23
Tafsīr:
Nag-utos ang Panginoon mo, O tao, at nagsatungkulin Siya na huwag kang sumamba sa iba pa sa Kanya. Nag-utos Siya ng paggawa ng maganda sa mga magulang, lalo na sa sandali ng pag-abot sa katandaan. Kaya kung umabot sa isa sa mga magulang ang katandaan o umabot ito sa kapwa sa kanilang dalawa sa piling mo ay huwag kang manghinawa sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pagbubunganga ng nagpapahiwatig doon, huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa, at huwag kang magmagaspang sa kanilang dalawa sa pagsasalita. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal na may kabanayaran at kabaitan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 22 Susunod Al-Isrā’ • Talata 24