Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 5 sa 111 • Tagalog


فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ أُولَاهُمَا بَعَثْنَا عَلَيْكُمْ عِبَادًا لَنَا أُولِي بَأْسٍ شَدِيدٍ فَجَاسُوا خِلَالَ الدِّيَارِ ۚ وَكَانَ وَعْدًا مَفْعُولًا 5
Pagsasalin:
Kaya kapag dumating ang pangako ng una sa dalawa ay magpapadala Kami sa inyo ng mga lingkod para sa Amin na mga may matinding kapangyarihan at maghalughog sila sa kaloob-looban ng mga tahanan. Ito ay naging isang pangakong gagawin. Al-Isrā’ 17:5
Tafsīr:
Kaya kapag nangyari mula sa kanila ang unang panggugulo ay magpapangibabaw Kami sa kanila ng mga lingkod para sa Amin na mga nagtataglay ng lakas at dahas na sukdulan, na papatay sa kanila at magpapalayas sa kanila saka gagalugad sa gitna ng mga tahanan nila habang nanggugulo sa anumang madaanan ng mga ito. Ang pangako ni Allāh noon hinggil doon ay magaganap nang walang pasubali.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 4 Susunod Al-Isrā’ • Talata 6