Pagkatapos magsasauli Kami para sa inyo ng pamamayani laban sa kanila, mag-aayuda Kami sa inyo ng mga yaman at mga anak, at gagawa Kami sa inyo na higit na marami sa tauhan. Al-Isrā’ 17:6 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos magpapanumbalik Kami para sa inyo, O mga anak ni Israel, ng estado at pananaig laban sa nangibabaw sa inyo kapag nagbalik-loob kayo kay Allāh. Mag-aayuda Kami sa inyo ng mga yaman matapos ng pagsamsam sa mga ito at ng mga anak matapos ng pagbihag sa mga ito. Gagawa Kami sa inyo na maging higit na marami sa pagkakatipon kaysa sa mga kaaway ninyo.