Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 61 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 61 sa 111 • Tagalog


وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ قَالَ أَأَسْجُدُ لِمَنْ خَلَقْتَ طِينًا 61
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas. Nagsabi ito: “Magpapatirapa ba ako sa nilikha Mo na isang putik?” Al-Isrā’ 17:61
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi Kami sa mga Anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan ng pagpapatirapa ng pagbati na hindi pagpapatirapa ng pagsamba," kaya sumunod naman sila at nagpatirapa sila, sa kabuuan nila, sa kanya subalit si Satanas ay umayaw dahil sa pagpapakamalaki na magpatirapa kay Adan, na nagsasabi: "Magpapatirapa ba ako sa isang nilikha Mo mula sa putik samantalang ako ay nilikha Mo mula sa apoy kaya naman ako ay higit na marangal kaysa sa kanya?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 60 Susunod Al-Isrā’ • Talata 62