Nagsabi ito: “Naisaalang-alang ba sa Iyo itong pinarangalan Mo higit sa akin? Talagang kung mag-aantala Ka sa akin hanggang sa Araw ng Pagbangon ay talagang makapagpapariwara nga Ako sa mga supling niya maliban sa kaunti.” Al-Isrā’ 17:62 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Satanas sa Panginoon niya: "Nakakita ka ba sa nilikhang ito na pinarangalan Mo higit sa akin dahil sa pag-utos Mo sa akin ng pagpapatirapa sa kanya? Talagang kung magpapanatili Ka sa akin bilang buhay hanggang sa wakas ng buhay na pangmundo ay talagang manghahalina ako sa mga anak niya at talagang magpapalisya ako sa kanila palayo sa landasin Mong tuwid maliban sa kaunti kabilang sa pinangalagaan Mo sa kanila, na mga lingkod mong mga nagpapakawagas."