Kung hindi dahil na nagpatatag Kami sa iyo, talaga ngang halos ikaw ay sumandal sa kanila nang bahagyang kaunti. Al-Isrā’ 17:74 ⧉
Tafsīr:
Kung hindi dahil na nagmagandang-loob Kami sa iyo ng pagpapatatag sa katotohanan, talaga ngang kamuntik na ikaw ay kumiling sa kanila ng bahagyang pagkiling para sumang-ayon ka sa kanila sa iminungkahi nila sa iyo dahil sa lakas ng pandaraya nila at tindi ng panggugulang nila kasabay ng kalabisan ng sigasig mo sa pagsampalataya nila subalit nangalaga Kami sa iyo laban sa pagkiling sa kanila.