Samakatuwid, talaga sanang nagpalasap Kami sa iyo ng ibayong [pagdurusa] sa buhay at ibayong [pagdurusa] sa pagkamatay. Pagkatapos hindi ka makatatagpo ukol sa iyo laban sa Amin ng isang mapag-adya. Al-Isrā’ 17:75 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling kumiling ka sa kanila sa iminumungkahi nila sa iyo, talaga sanang nagpadapo Kami sa iyo ng pagdurusang pinag-ibayo sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Pagkatapos hindi ka makatatagpo ng isang mapag-adyang mag-aadya sa iyo laban sa Amin at magtutulak palayo sa iyo ng pagdurusa.