Talagang kung niloob Namin ay talaga sanang mag-aalis nga Kami ng ikinasi Namin sa iyo, pagkatapos hindi ka makakatagpo para sa iyo kaugnay rito laban sa Amin ng isang pinananaligan [sa pagpapanumbalik], Al-Isrā’ 17:86 ⧉
Tafsīr:
Sumusumpa si Allāh na kung sakaling niloob Niya ang pag-alis ng pinababa Niya sa iyo, O Sugo, na kasi sa pamamagitan ng pagpawi nito sa mga isip at mga kasulatan ay talaga sanang nag-alis Siya nito, pagkatapos hindi ka makatatagpo ng sinumang mag-aadya sa iyo at magsasagawa ng pagpapanumbalik nito.