Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 29 sa 110 • Tagalog


وَقُلِ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَمَنْ شَاءَ فَلْيُؤْمِنْ وَمَنْ شَاءَ فَلْيَكْفُرْ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمْ سُرَادِقُهَا ۚ وَإِنْ يَسْتَغِيثُوا يُغَاثُوا بِمَاءٍ كَالْمُهْلِ يَشْوِي الْوُجُوهَ ۚ بِئْسَ الشَّرَابُ وَسَاءَتْ مُرْتَفَقًا 29
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya.” Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan! Al-Kahf 18:29
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga naliligtang ito sa pag-alaala kay Allāh dahil sa pagkalingat ng mga puso nila: "Ang inihatid ko sa inyo ay ang katotohanan. Ito ay mula sa ganang kay Allāh, hindi mula sa ganang akin. Hindi ako tutugon sa panawagan ninyo sa akin na itaboy ko ang mga mananampalataya. Kaya ang sinumang lumuob kabilang sa inyo ng pananampalataya sa katotohanang ito ay sumampalataya siya rito at magagalak siya sa ganti rito; at ang sinumang lumuob kabilang sa inyo ng kawalang-pananampalataya rito ay tumanggi siyang sumampalataya at maliligalig siya sa parusang naghihintay sa kanya." Tunay na Kami ay naghanda para sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila, dahil sa pagpili sa kawalang-pananampalataya, ng apoy na papaligid sa kanila ang mga bakod nito kaya hindi nila kakayaning tumakas mula roon. Kung hihiling sila ng isang saklolo sa pamamagitan ng tubig dahil sa tindi ng dinaranas nila na uhaw, sasaklolohan sila ng isang tubig na gaya ng langis na maputik na matindi ang init, na iihaw sa mga mukha nila dala ng tindi ng init nito. Kay sagwa bilang inumin ang inuming ito na isasaklolo sa kanila sapagkat ito ay hindi nakasasapat para sa uhaw bagkus nakadaragdag pa ito roon at hindi nakaapula ng liyab na pumapaso sa mga balat nila. Kay sagwa ang apoy bilang tuluyang tutuluyan nila at bilang pinanatilihang pananatilihan nila!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 28 Susunod Al-Kahf • Talata 30