Talaga ngang nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito para sa mga tao ng bawat [uri ng] paghahalintulad. Laging ang tao ay pinakamadalas na bagay sa pakikipagtalo. Al-Kahf 18:54 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang naglinaw Kami at nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito na pinababa kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng marami sa mga uri ng mga paghahalimbawa upang magsaalaala sila at mapangaralan sila subalit ang tao – lalo na ang tagatangging sumampalataya – ay pinakamadalas na bagay sa paglalantad ng pakikipagtalo sa hindi katotohanan.