Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi sila ng tawad sa Panginoon nila kundi [ang paghiling] na pumunta sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o pumunta sa kanila ang pagdurusa nang harapan. Al-Kahf 18:55 ⧉
Tafsīr:
Hindi humadlang sa pagitan ng mga tagatangging sumampalatayang nagmamatigas at ng pananampalataya sa inihatid niMuḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Panginoon niya at hindi humadlang sa pagitan nila at ng paghiling ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila ang kakulangan ng paglilinaw sapagkat nailahad para sa kanila ang mga paghahalintulad sa Qur'ān at dumating sa kanila ang mga katwirang maliwanag. Pumigil lamang sa kanila ang paghiling nila – dahil sa kasutilan – ng pagpapabagsak sa kanila ng parusa sa mga kalipunang nauna at ang pagkakita sa parusa na ipinangako sa kanila.