Nagsabi [si Khiḍr]: “Kaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit.” Al-Kahf 18:70 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay kabilang sa masasaksihan mo sa akin na isasagawa ko hanggang sa ako ay maging ang tagapasimula sa paglilinaw ng dahilan nito."