Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 71 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 71 sa 110 • Tagalog


فَانْطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا رَكِبَا فِي السَّفِينَةِ خَرَقَهَا ۖ قَالَ أَخَرَقْتَهَا لِتُغْرِقَ أَهْلَهَا لَقَدْ جِئْتَ شَيْئًا إِمْرًا 71
Pagsasalin:
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi si Moises: “Binutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama.” Al-Kahf 18:71
Tafsīr:
Kaya noong napagkaisahan nilang dalawa iyon, humayo silang dalawa patungo sa baybayin ng dagat hanggang sa nakatagpo silang dalawa ng isang daong. Kaya sumakay silang dalawa roon nang walang upa bilang pagpaparangal kay Al-Khiḍr ngunit binutas ni Al-Khiḍr ang daong sa pamamagitan ng pagtuklap sa isa sa mga tabla nito. Kaya nagsabi sa kanya si Moises: "Binutas mo ba ang daong na nagpalulan sa atin ang may-ari nito sa loob nito nang walang upa, sa pag-asang lunurin mo ang may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na sukdulan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 70 Susunod Al-Kahf • Talata 72