Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 77 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 77 sa 110 • Tagalog


فَانْطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا أَتَيَا أَهْلَ قَرْيَةٍ اسْتَطْعَمَا أَهْلَهَا فَأَبَوْا أَنْ يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارًا يُرِيدُ أَنْ يَنْقَضَّ فَأَقَامَهُ ۖ قَالَ لَوْ شِئْتَ لَاتَّخَذْتَ عَلَيْهِ أَجْرًا 77
Pagsasalin:
Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakapunta silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humingi silang dalawa ng makakain sa mga naninirahan doon ngunit tumanggi ang mga iyon na tumanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin, saka nakatagpo silang dalawa roon ng isang pader na napipintong gumuho kaya itinayo niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Kung sakaling niloob mo ay talagang nakakuha ka para roon ng isang upa.” Al-Kahf 18:77
Tafsīr:
Kaya naglakbay silang dalawa hanggang sa nang dumating silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humiling silang dalawa mula sa mga naninirahan doon ng pagkain ngunit tumanggi ang mga naninirahan sa pamayanan sa pagpapakain sa kanila at pagtupad sa tungkulin ng pagtanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin. Saka nakatagpo silang dalawa sa pamayanan ng isang bakod na nakakiling na nalalapit nang bumagsak at malugso kaya ipinantay ito ni Al-Khiḍr hanggang sa tumuwid ito. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – kay Al-Khiḍr: "Kung sakaling niloob mong kumuha ng upa sa pag-aayos nito ay talagang nakakuha ka nito para sa pangangailangan natin matapos ng pagtanggi nila sa pagtanggap sa atin bilang panauhin."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 76 Susunod Al-Kahf • Talata 78