Nagsabi [si Khiḍr]: “Ito ay ang paghihiwalay sa pagitan natin. Magbabalita ako sa iyo hinggil sa pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis. Al-Kahf 18:78 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Ang pagtutol na ito sa hindi ko pagkuha ng isang upa sa pagtatayo ng bakod ay punto ng paghihiwalay sa pagitan natin. Magpapabatid ako sa iyo ng pakahulugan ng hindi mo nakayang tiisin kabilang sa nasaksihan mo sa akin na isinagawa ko.