Nagsabi [si Dhulqarnayn]: “[Ang sagabal na] ito ay isang awa mula sa Panginoon ko; ngunit kapag dumating ang pangako ng Panginoon ko, gagawin Niya itong durog. Laging ang pangako ng Panginoon ko ay totoo.” Al-Kahf 18:98 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Dhulqarnayn: "Ang sagabal na ito ay isang awa mula sa Panginoon ko, na hahadlang sa Gog at Magog at sa panggugulo sa lupain at pipigil sa kanila roon; ngunit kapag dumating ang oras na tinakdaan ni Allāh para sa paglabas nila bago ng pagsapit ng Huling Sandali, gagawin Niya itong kapantay sa lupa. Laging ang pangako ni Allāh ng pagpapantay nito sa lupa at ng paglabas ng Gog at Magog ay matatag, walang pagsira rito."