Mag-iiwan Kami sa iba sa kanila sa araw na iyon na dumadaluyong sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa kanila sa isang pagkakatipon. Al-Kahf 18:99 ⧉
Tafsīr:
Mag-iiwan Kami sa iba sa mga nilikha sa hulihan ng panahon, na nagkakalituhan at nagkakahalu-halo sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa mga nilikha sa kabuuan nila para sa pagtutuos at pagganti.