Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Maryam — Talata 64 (Tagalog) — Bidyo

Maryam • Talata 64 sa 98 • Tagalog


وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمْرِ رَبِّكَ ۖ لَهُ مَا بَيْنَ أَيْدِينَا وَمَا خَلْفَنَا وَمَا بَيْنَ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيًّا 64
Pagsasalin:
[Sabihin mo, O Anghel Gabriel:] “Hindi kami nagbababaan kundi ayon sa utos ng Panginoon mo. Sa Kanya ang nasa pagitan ng mga kamay namin at ang nasa likuran namin at ang nasa pagitan niyon. Laging ang Panginoon mo ay hindi malilimutin. Maryam 19:64
Tafsīr:
Sabihin mo, O Gabriel, kay Muḥammad – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya: "Tunay na ang mga anghel ay hindi nagbababaan ayon sa pagkukusa ng mga sarili nila; nagbababaan lamang sila ayon sa utos ni Allāh. Sa kay Allāh ang kahaharapin namin kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay, ang maiiwan namin kabilang nauukol sa Mundo, at ang anumang nasa pagitan ng Mundo at Kabilang-buhay. Laging ang Panginoon mo, O Sugo, ay hindi lumilimot sa anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Maryam • Talata 63 Susunod Maryam • Talata 65