Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Maryam — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Maryam • Talata 65 sa 98 • Tagalog


رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا فَاعْبُدْهُ وَاصْطَبِرْ لِعِبَادَتِهِ ۚ هَلْ تَعْلَمُ لَهُ سَمِيًّا 65
Pagsasalin:
Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?” Maryam 19:65
Tafsīr:
Ang Tagalikha ng mga langit, ang Tagalikha ng lupa, ang Tagapagmay-ari ng mga ito, ang Tagapangasiwa sa nauukol sa mga ito, ang Tagalikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Tagapagmay-ari ng mga ito, at ang Tagapangasiwa ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya – tanging sa Kanya – sapagkat Siya ang karapat-dapat sa pagsamba at magpakatatag ka sa pagsamba sa Kanya sapagkat wala Siyang katulad ni katapat na nakikilahok sa Kanya sa pagsamba.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Maryam • Talata 64 Susunod Maryam • Talata 66