Talagang susubok nga Kami sa inyo sa pamamagitan ng isang anuman kabilang sa pangamba at gutom, at ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagtitiis, Al-Baqarah 2:155 ⧉
Tafsīr:
Talagang susulitin nga Namin kayo sa pamamagitan ng mga uri ng mga kasawian, sa pamamagitan ng isang anumang kabilang sa pangamba mula sa mga kaaway ninyo at sa pamamagitan ng gutom dahil sa kakauntian ng pagkain, at sa pamamagitan ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian dahil sa pagkawala ng mga ito o hirap ng pagkamit sa mga ito, sa pamamagitan ng isang kabawasan sa mga buhay dahil sa mga pinsalang nagpapahamak sa mga tao o sa pamamagitan ng pagkamartir sa landas ni Allāh, at sa pamamagitan ng isang kabawasan sa mga bunga. Magbalita ka, O Propeta, sa mga nagtitiis sa mga kasawiang iyon ng magpapagalak sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.