Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 156 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 156 sa 286 • Tagalog


الَّذِينَ إِذَا أَصَابَتْهُمْ مُصِيبَةٌ قَالُوا إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّا إِلَيْهِ رَاجِعُونَ 156
Pagsasalin:
na mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik. Al-Baqarah 2:156
Tafsīr:
Yaong mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian mula sa mga kasawiang iyon ay nagsasabi sila nang may pagkalugod at pagpapasakop: "Tunay na kami ay pag-aari para kay Allāh: ginagawa Niya sa amin ang anumang niloob Niya. Tunay na kami ay sa Kanya mga manunumbalik sa Araw ng Pagbangon sapagkat Siya ay ang lumikha sa amin at nagmagandang-loob sa amin sa pamamagitan ng magkakaiba-ibang mga biyaya at tungo sa Kanya ang pagbabalikan namin at ang wakas ng nauukol sa amin."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 155 Susunod Al-Baqarah • Talata 157