Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos; walang Diyos kundi Siya, ang Napakamaawain, ang Maawain. Al-Baqarah 2:163 ⧉
Tafsīr:
Ang sinasamba ninyong totoo, O mga tao, ay nag-iisang namumukod-tangi sa sarili Niya at mga katangian Niya; walang sinasamba ayon sa katapatan na iba pa sa Kanya. Siya ay ang Napakamaawain: ang may awang malawak, ang Maawain sa mga lingkod Niya yayamang nagbiyaya Siya sa kanila ng mga biyayang hindi mabibilang.