Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 164 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 164 sa 286 • Tagalog


إِنَّ فِي خَلْقِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَاخْتِلَافِ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَالْفُلْكِ الَّتِي تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِمَا يَنْفَعُ النَّاسَ وَمَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنَ السَّمَاءِ مِنْ مَاءٍ فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا وَبَثَّ فِيهَا مِنْ كُلِّ دَابَّةٍ وَتَصْرِيفِ الرِّيَاحِ وَالسَّحَابِ الْمُسَخَّرِ بَيْنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ 164
Pagsasalin:
Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa, sa pagsasalit-salitan ng gabi at maghapon, sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat kalakip ng ipinakikinabang nito sa mga tao, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na tubig saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng kamatayan nito at nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang, at sa pagpihit sa mga hangin at mga ulap na pinagsisilbi sa pagitan ng langit at lupa ay talagang mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. Al-Baqarah 2:164
Tafsīr:
Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga kahanga-hanga sa nilikha, sa pagpapalitan ng gabi at maghapon, sa mga daong na naglalayag sa mga tubigan ng mga dagat na nagdadala ng pinakikinabangan ng mga tao na pagkain, kasuutan, pangangalakal, at iba pa kabilang sa kinakailangan nila, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na tubig saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na pananim at damo at sa ikinalat Niya rito na mga nilikhang buhay, at sa paglilipat sa mga hangin mula sa isang dako papunta sa isang dako, at sa mga ulap na pinaamo sa pagitan ng langit at lupa, tunay na lahat ng iyon ay talagang may mga tandang maliwanag sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – para sa mga nakapag-uunawa sa mga katwiran at umiintindi sa mga patunay at mga patotoo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 163 Susunod Al-Baqarah • Talata 165