Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 209 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 209 sa 286 • Tagalog


فَإِنْ زَلَلْتُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْكُمُ الْبَيِّنَاتُ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ 209
Pagsasalin:
Ngunit kung natisod kayo matapos na dumating sa inyo ang mga malinaw na patunay, alamin ninyo na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. Al-Baqarah 2:209
Tafsīr:
Ngunit kung may naganap mula sa inyo na pagkatisod at paglihis matapos na dumating sa inyo ang mga patunay na maliwanag na walang kalituhan sa mga ito, alamin ninyo na si Allāh ay Makapangyarihan sa kakayahan Niya at pananaig Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya kaya mangamba kayo sa Kanya at gumalang kayo sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 208 Susunod Al-Baqarah • Talata 210