Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 210 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 210 sa 286 • Tagalog


هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ يَأْتِيَهُمُ اللَّهُ فِي ظُلَلٍ مِنَ الْغَمَامِ وَالْمَلَائِكَةُ وَقُضِيَ الْأَمْرُ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ 210
Pagsasalin:
Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila si Allāh na nasa mga lilim ng mga ulap at [gayon din] ang mga anghel at pinagpasyahan na ang usapin? Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin. Al-Baqarah 2:210
Tafsīr:
Walang hinihintay itong mga tagsunod sa mga tinatahak ng demonyo, na mga lumilihis sa daan ng katotohanan, maliban pa na pumunta sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon ayon sa pagpunta na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na nasa mga lilim ng mga ulap para humusga sa pagitan nila, at pumunta sa kanila ang mga anghel na nakapaligid sa kanila sa bawat gilid at sa sandaling iyon pagpapasyahan ang hatol ni Allāh sa kanila at tatapusin ito. Tungo kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya lamang – pababalikin ang mga usapin ng mga nilikha at ang mga pumapatungkol sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 209 Susunod Al-Baqarah • Talata 211