Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 211 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 211 sa 286 • Tagalog


سَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ كَمْ آتَيْنَاهُمْ مِنْ آيَةٍ بَيِّنَةٍ ۗ وَمَنْ يُبَدِّلْ نِعْمَةَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ 211
Pagsasalin:
Magtanong ka sa mga anak ni Israel kung ilan ang ibinigay Namin sa kanila na malinaw na tanda. Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni Allāh matapos na dumating ito sa kanya, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa. Al-Baqarah 2:211
Tafsīr:
Magtanong ka, O Propeta, sa mga anak ni Israel ng isang tanong na paninisi sa kanila: "Ilan ang nilinaw ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa inyo na maliwanag na tanda na nagpapatunay sa katapatan ng mga sugo ngunit nagpasinungaling kayo sa mga ito at umayaw kayo sa mga ito?" Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni Allāh dala ng kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling matapos ng pagkakilala rito at paglitaw nito, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagpasinungaling.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 210 Susunod Al-Baqarah • Talata 212