Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 222 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 222 sa 286 • Tagalog


وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْمَحِيضِ ۖ قُلْ هُوَ أَذًى فَاعْتَزِلُوا النِّسَاءَ فِي الْمَحِيضِ ۖ وَلَا تَقْرَبُوهُنَّ حَتَّىٰ يَطْهُرْنَ ۖ فَإِذَا تَطَهَّرْنَ فَأْتُوهُنَّ مِنْ حَيْثُ أَمَرَكُمُ اللَّهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ التَّوَّابِينَ وَيُحِبُّ الْمُتَطَهِّرِينَ 222
Pagsasalin:
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa regla. Sabihin mo: “Ito ay pinsala kaya humiwalay kayo sa mga babae sa regla at huwag kayong lumapit sa kanila [para makipagtalik] hanggang sa dumalisay sila, at kapag nagpakadalisay sila [sa regla] ay pumunta kayo sa kanila mula sa kung saan nag-utos sa inyo si Allāh. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga palabalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay.” Al-Baqarah 2:222
Tafsīr:
Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, tungkol sa regla. (Ito ay likas na dugong lumalabas mula sa matris ng babae sa mga tanging araw.) Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang regla ay pinsala sa lalaki at babae kaya umiwas kayo sa pakikipagtalik sa mga babae sa panahon nito at huwag kayong lumapit sa kanila upang makipagtalik hanggang sa tumigil ang dugo sa kanila at nagpakadalisay sila mula roon sa pamamagitan ng paligo." Kaya kapag tumigil iyon at nakapagdalisay sila mula roon ay makipagtalik kayo sa kanila sa paraang pinayagan Niya para sa inyo: habang mga dalisay sa ari nila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapadalas sa pagbabalik-loob mula sa mga pagsuway at mga nagpapakalubos sa pagdadalisay mula sa mga karumihan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 221 Susunod Al-Baqarah • Talata 223