Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 223 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 223 sa 286 • Tagalog


نِسَاؤُكُمْ حَرْثٌ لَكُمْ فَأْتُوا حَرْثَكُمْ أَنَّىٰ شِئْتُمْ ۖ وَقَدِّمُوا لِأَنْفُسِكُمْ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ مُلَاقُوهُ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ 223
Pagsasalin:
Ang mga maybahay ninyo ay punlaan para sa inyo kaya pumunta kayo sa punlaan ninyo kung paanong niloob ninyo. Magpauna kayo [ng kabutihan] para sa mga sarili ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Alamin ninyo na kayo ay mga makikipagkita sa Kanya. Magbalita ka ng nakagagalak ng mga mananampalataya. Al-Baqarah 2:223
Tafsīr:
Ang mga maybahay ninyo ay lugar ng pagtatanim para sa inyo. Nanganganak sila para sa inyo ng mga anak gaya ng lupang nagpapalabas ng mga bunga. Kaya pumunta kayo sa lugar ng pagtatanim – ang ari – mula sa alinmang dakong niloob ninyo at kung papaano mang niloob ninyo kapag ito ay sa ari. Magpauna kayo [ng mga kabutihan] para sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga kabutihan. Kabilang dito na makipagtalik ang lalaki sa maybahay niya sa layong magpakalapit kay Allāh at sa paghahangad ng mga supling na maayos. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Kabilang sa mga ito ang isinabatas Niya para sa inyo na nauukol sa mga babae. Alamin ninyo na kayo ay mga makikipagkita sa Kanya sa Araw ng Pagbangon, na mga nakatayo sa harapan Niya, na gaganti sa inyo sa mga gawa ninyo. Magbalita ka, O Propeta, sa mga mananampalataya ng magpapagalak sa kanila sa sandali ng pakikipagkita sa Panginoon nila gaya ng Kaginhawahang mananatili at pagtingin sa mukha Niyang marangal.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 222 Susunod Al-Baqarah • Talata 224