Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 246 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 246 sa 286 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ إِلَى الْمَلَإِ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ مِنْ بَعْدِ مُوسَىٰ إِذْ قَالُوا لِنَبِيٍّ لَهُمُ ابْعَثْ لَنَا مَلِكًا نُقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ قَالَ هَلْ عَسَيْتُمْ إِنْ كُتِبَ عَلَيْكُمُ الْقِتَالُ أَلَّا تُقَاتِلُوا ۖ قَالُوا وَمَا لَنَا أَلَّا نُقَاتِلَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَقَدْ أُخْرِجْنَا مِنْ دِيَارِنَا وَأَبْنَائِنَا ۖ فَلَمَّا كُتِبَ عَلَيْهِمُ الْقِتَالُ تَوَلَّوْا إِلَّا قَلِيلًا مِنْهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ 246
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakaalam sa konseho mula sa mga anak ni Israel matapos na ni Moises nang magsabi sila sa isang propeta para sa kanila: “Magtalaga ka para sa amin ng isang hari, makikipaglaban kami ayon sa landas ni Allāh.” Nagsabi ito: “Harinawa kayo kaya, kung itinakda sa inyo ang pakikipaglaban, ay hindi kayo makipaglaban?” Nagsabi sila: “Hindi ukol sa amin na hindi kami makikipaglaban ayon sa landas ni Allāh samantalang pinalisan kami mula sa mga tahanan namin at mga anak namin.” Ngunit noong itinakda sa kanila ang pakikipaglaban ay tumalikod sila maliban sa kakaunti mula sa kanila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan. Al-Baqarah 2:246
Tafsīr:
Hindi ba nakaabot sa kaalaman mo, O Propeta, ang balita sa mga maharlika mula sa mga anak ni Israel matapos ng panahon ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nagsabi sila sa isang propeta para sa kanila: "Magluklok ka para sa amin ng isang hari, makikipaglaban kami kasama sa kanya sa landas ni Allāh." Kaya nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Marahil kayo, kung nagsatungkulin si Allāh sa inyo ang pakikipaglaban, ay hindi makikipaglaban sa landas ni Allāh!" Nagsabi sila habang mga nagmamasama sa pagpapalagay niya sa kanila: "May aling tagapigil na pipigil sa amin sa pakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh kasabay ng pagkakaroon ng humihiling niyon sa amin sapagkat nagpalayas nga sa amin ang mga kaaway namin mula sa mga bayan namin at bumihag sila sa mga anak namin? Kaya makikipaglaban kami para sa pagbawi ng mga bayan namin at pagliligtas sa mga bihag sa amin." Ngunit noong nagsatungkulin si Allāh sa kanila ng pakikipaglaban ay umayaw sila yamang hindi sila tumupad sa ipinangako nila maliban sa kakaunti sa kanila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan, na mga umaayaw sa utos Niya, na mga kumakalas sa tipan sa Kanya. Gaganti Siya sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 245 Susunod Al-Baqarah • Talata 247