Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 247 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 247 sa 286 • Tagalog


وَقَالَ لَهُمْ نَبِيُّهُمْ إِنَّ اللَّهَ قَدْ بَعَثَ لَكُمْ طَالُوتَ مَلِكًا ۚ قَالُوا أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُ الْمُلْكُ عَلَيْنَا وَنَحْنُ أَحَقُّ بِالْمُلْكِ مِنْهُ وَلَمْ يُؤْتَ سَعَةً مِنَ الْمَالِ ۚ قَالَ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَاهُ عَلَيْكُمْ وَزَادَهُ بَسْطَةً فِي الْعِلْمِ وَالْجِسْمِ ۖ وَاللَّهُ يُؤْتِي مُلْكَهُ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ 247
Pagsasalin:
Nagsabi sa kanila ang propeta nila [na si Samuel]: “Tunay na si Allāh ay nagtalaga para sa inyo kay Saul bilang hari.” Nagsabi sila: “Paanong magiging ukol sa kanya ang paghahari sa amin samantalang kami ay higit na karapat-dapat sa paghahari kaysa sa kanya at hindi siya nabigyan ng kasaganaan sa yaman?” Nagsabi ito: “Tunay na si Allāh ay humirang sa kanya higit sa inyo at nagdagdag sa kanya ng isang paglago sa kaalaman at katawan. Si Allāh ay nagbibigay ng paghahari Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam. Al-Baqarah 2:247
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Tunay na si Allāh ay nagluklok para sa inyo kay Saul bilang hari sa inyo upang makipaglaban kayo sa ilalim ng watawat niya." Nagsabi ang mga maharlika nila habang mga nagmamasama sa pagpiling ito at habang mga tumututol sa kanya: "Papaanong magiging ukol sa kanya ang paghahari sa amin samantalang kami ay higit na nararapat sa paghahari kaysa sa kanya yayamang hindi siya naging kabilang sa mga anak ng mga hari at hindi siya nabigyan ng masaganang yamang ipantutulong niya sa paghahari?" Nagsabi sa kanila ang propeta nila: "Tunay na si Allāh ay pumili sa kanya higit sa inyo at nagdagdag sa kanya higit sa inyo ng isang lawak sa kaalaman at lakas sa katawan. Si Allāh ay nagbibigay ng paghahari Niya sa sinumang niloloob Niya ayon sa karunungan Niya at awa Niya. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob: nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya, Maalam sa kaninumang nagiging karapat-dapat doon kabilang sa nilikha Niya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 246 Susunod Al-Baqarah • Talata 248