Walang pamimilit sa relihiyon. Luminaw nga ang pagkagabay sa pagkalisya. Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa nagpapakadiyos at sumasampalataya kay Allāh ay nakakapit nga sa hawakang pinakamatibay na walang pagkalamat para rito. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. Al-Baqarah 2:256 ⧉
Tafsīr:
Walang pamimilit sa isa man sa pagpasok sa relihiyong Islām dahil ito ang relihiyong totoong malinaw kaya walang pangangailangan dito sa pamimilit sa isa man para rito. Tumampok nga ang pagkagabay sa pagkaligaw. Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa bawat anumang sinasambang iba pa kay Allāh, nagpapawalang-kaugnayan doon, at sumasampalataya kay Allāh lamang ay nakakapit nga sa relihiyon sa pamamagitan ng pinakamalakas na lubid na hindi malalagot para sa kaligtasan sa Araw ng Pagbangon. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.