Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 257 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 257 sa 286 • Tagalog


اللَّهُ وَلِيُّ الَّذِينَ آمَنُوا يُخْرِجُهُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا أَوْلِيَاؤُهُمُ الطَّاغُوتُ يُخْرِجُونَهُمْ مِنَ النُّورِ إِلَى الظُّلُمَاتِ ۗ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 257
Pagsasalin:
Si Allāh ay Katangkilik ng mga sumampalataya; nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang nagpapakadiyos; nagpapalabas ito sa kanila mula sa liwanag tungo sa mga kadiliman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. Al-Baqarah 2:257
Tafsīr:
Si Allāh ay tumatangkilik sa mga sumampalataya sa Kanya: nagtutuon sa kanila, nag-aadya sa kanila, at nagpapalabas sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang mga kaagaw [kay Allāh] at ang mga anito, na nagpaganda para sa kanila ng kawalang-pananampalataya kaya nagpalabas ang mga ito sa kanila mula sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman tungo sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 256 Susunod Al-Baqarah • Talata 258