Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 264 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 264 sa 286 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُبْطِلُوا صَدَقَاتِكُمْ بِالْمَنِّ وَالْأَذَىٰ كَالَّذِي يُنْفِقُ مَالَهُ رِئَاءَ النَّاسِ وَلَا يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ فَمَثَلُهُ كَمَثَلِ صَفْوَانٍ عَلَيْهِ تُرَابٌ فَأَصَابَهُ وَابِلٌ فَتَرَكَهُ صَلْدًا ۖ لَا يَقْدِرُونَ عَلَىٰ شَيْءٍ مِمَّا كَسَبُوا ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ 264
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong magpawalang-saysay sa mga kawanggawa ninyo sa pamamagitan ng panunumbat at pananakit gaya ng gumugugol ng salapi niya dala ng pagpapakita sa mga tao ngunit hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng paghahalintulad sa isang batong makinis na sa ibabaw nito ay may alabok at may tumama rito na isang masaganang ulan at nag-iwan iyon rito na hantad. Hindi sila nakakakaya sa anuman mula sa kinamit nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya. Al-Baqarah 2:264
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong sumira sa gantimpala sa mga kawanggawa ninyo sa pamamagitan ng panunumbat sa pinagkakawanggawaan at pananakit dito. Tunay na ang paghahalintulad sa sinumang gumagawa niyon ay tulad ng nagkakaloob ng mga salapi niya sa layunin na makita siya ng mga tao at ipagkapuri nila siya gayong siya ay isang tagatangging sumampalataya,na hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Huling Araw at anumang naroon na gantimpala at parusa. Ang paghahalintulad dito ay tulad ng isang batong makinis, na sa ibabaw nito ay may alabok, saka may tumama sa batong iyon na isang ulan na masagana kaya nag-alis ito ng alabok sa bato at nag-iwan doon na makinis na walang anuman sa ibabaw nito. Gayon ang mga nagpapakitang-tao: naaalis ang gantimpala ng mga paggawa nila at mga paggugol nila at walang natitira mula roon sa ganang kay Allāh na anuman. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya tungo sa nagpapalugod sa Kanya – pagkataas-taas Siya – at nagpapakinabang sa kanila sa mga paggawa nila at mga paggugol nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 263 Susunod Al-Baqarah • Talata 265