Ngunit nagpasaring sa kanya ang demonyo. Nagsabi ito: “O Adan, gagabay kaya ako sa iyo sa Punong-kahoy ng Kawalang-hanggan at isang kahariang hindi nalalaspag?” Ṭā Hā 20:120 ⧉
Tafsīr:
Ngunit nagpasaring ang demonyo kay Adan at nagsabi ito sa kanya: "O Adan, gagabay kaya ako sa iyo sa isang punong-kahoy na ang sinumang kumain mula roon ay hindi mamamatay magpakailanman, bagkus mananatiling buhay nang walang-hanggan at maghahari sa isang paghaharing nagpapatuloy na hindi napuputol ni nagwawakas?"