Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṭā Hā — Talata 121 (Tagalog) — Bidyo

Ṭā Hā • Talata 121 sa 135 • Tagalog


فَأَكَلَا مِنْهَا فَبَدَتْ لَهُمَا سَوْآتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفَانِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَرَقِ الْجَنَّةِ ۚ وَعَصَىٰ آدَمُ رَبَّهُ فَغَوَىٰ 121
Pagsasalin:
Kaya kumain silang dalawa mula roon, saka lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Nagsimula silang dalawa na nagtatakip sa kanilang dalawa ng mga dahon ng hardin. Sumuway si Adan sa Panginoon niya kaya nalisya siya. Ṭā Hā 20:121
Tafsīr:
Kaya kumain sina Adan at Eva mula sa punong-kahoy na sinaway silang dalawa na kumain mula roon, saka nalantad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa matapos na ito dati ay natatakpan. Nag-umpisa silang dalawa na pumipitas ng mga dahon ng mga punong-kahoy ng hardin at nagtatakip silang dalawa ng mga ito sa kahubaran nilang dalawa. Sumalungat si Adan sa utos ng Panginoon nito yayamang hindi ito sumunod sa ipinag-uutos Niya na pag-iwas na kumain mula sa punong-kahoy sapagkat lumampas ito patungo sa hindi pinapayagan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṭā Hā • Talata 120 Susunod Ṭā Hā • Talata 122