Nagsabi sila: “Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran. Ṭā Hā 20:63 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang iba sa mga manggagaway sa iba pa sa kanila nang palihim: "Tunay na sina Moises at Aaron ay dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa na inihatid nilang dalawa at mag-alis sa kalakaran ninyong pinakamataas sa buhay at katuruan ninyong pinakamatayog.