Kaya magkaisa kayo sa panlalansi ninyo, pagkatapos pumunta kayo nang pahanay. Nagtagumpay nga sa araw na ito ang nangibabaw.” Ṭā Hā 20:64 ⧉
Tafsīr:
Kaya magpatibay kayo ng nauukol sa inyo at huwag kayong magkaiba-iba. Pagkatapos sumulong kayo na mga nakahanay at bumato kayo ng taglay ninyo nang isang batuhan. Nagtamo nga ng hinihiling sa araw na ito ang sinumang nanaig sa kaalitan niya.