Ukol sa kanila roon ay singhal at sila roon ay hindi nakaririnig [dahil sa hilakbot sa pagdurusa nila]. Al-Anbiyā’ 21:100 ⧉
Tafsīr:
Ukol sa kanila roon, dahil sa tindi ng dinaranas nilang mga sakit, ay paghingang matindi. Sila sa Apoy ay hindi nakaririnig ng mga tunog dahil sa tindi ng hilakbot na nakahihindik na tumama sa kanila.