Kung sakaling ang mga ito ay naging mga diyos, hindi sana sila sumapit doon [sa Impiyerno]. Lahat doon ay mga mamamalagi. Al-Anbiyā’ 21:99 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling ang mga sinasambang ito ay naging mga diyos na sinasamba ayon sa karapatan, hindi sana sila pumasok sa Apoy kasama ng mga sumamba sa kanila. Bawat isa sa mga tagasamba at mga sinamba ay sa Apoy mga mamamalagi magpakailanman; hindi sila makalalabas mula roon.