Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang. Al-Anbiyā’ 21:107 ⧉
Tafsīr:
Hindi Kami nagpadala sa iyo, O Muḥammad, bilang sugo kundi bilang awa para sa lahat ng nilikha dahil sa pagtataglay mo ng katangian ng sigasig sa kapatnubayan sa mga tao at sa pagsagip sa kanila mula sa parusa ni Allāh.