Sabihin mo: “Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya kayo kaya ay mga tagapagpasakop?” Al-Anbiyā’ 21:108 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Ikinakasi lamang sa akin mula sa Panginoon ko na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisa: walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Kaya magpaakay kayo para sa pagsampalataya sa Kanya at paggawa ayon sa pagtalima sa Kanya."