Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin mo: “Nagpahayag ako sa inyo ayon sa isang pagkakapantay. Hindi ako nakaaalam kung malapit na ba o malayo pa ang ipinangangako sa inyo. Al-Anbiyā’ 21:109 ⧉
Tafsīr:
Ngunit kung umayaw ang mga ito sa inihatid mo sa kanila ay sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Ipinaalam ko sa inyo na ako kasama sa inyo ay nasa isang lagay na magkapantay at sa pagitan ko at ninyo ay pakikipaghiwalay. Hindi ako nakaaalam kung kailan bababa sa inyo ang ipinangako ni Allāh na pagdurusang dulot Niya.