Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anbiyā’ — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anbiyā’ • Talata 22 sa 112 • Tagalog


لَوْ كَانَ فِيهِمَا آلِهَةٌ إِلَّا اللَّهُ لَفَسَدَتَا ۚ فَسُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ 22
Pagsasalin:
Kung sakaling sa mga [langit at lupa na] ito ay may mga diyos maliban kay Allāh, talaga sanang nasira ang mga ito. Kaya kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng Trono, higit sa anumang inilalarawan nila. Al-Anbiyā’ 21:22
Tafsīr:
Kung sakaling sa mga langit at lupa ay may mga sinasambang marami na iba pa kay Allāh, talaga sanang nasira ang mga ito dahil sa pag-aalitan ng mga sinasamba sa Kaharian. Ang reyalidad ay kasalungatan niyon sapagkat nagpawalang-kaugnayan si Allāh, ang Panginoon ng Trono, sa mga inilalarawan sa Kanya ng mga tagapagtambal na isang kasinungalingan na mayroon daw Siyang mga katambal.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anbiyā’ • Talata 21 Susunod Al-Anbiyā’ • Talata 23