Hindi Siya tinatanong tungkol sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin. Al-Anbiyā’ 21:23 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh, ang namumukod-tangi sa paghahari Niya at pagtatadhana Niya, ay hindi tinatanong ng isa man tungkol sa anumang itinakda Niya at itinadhana Niya samantalang Siya ay magtatanong sa mga lingkod Niya tungkol sa mga gawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.