Nagsabi sila: “Gumawa ang Napakamaawain ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus [sila ay] mga lingkod na pinarangalan [sila]. Al-Anbiyā’ 21:26 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Nagpawalang-kaugnayan Siya – kaluwalhatian sa Kanya at kabanal-banalan Siya – palayo sa sinasabi nila na kasinungalingan; bagkus ang mga anghel ay mga lingkod para Allāh, na mga pinarangalan Niya, na mga inilapit sa Kanya.