Nagsabi sila: “Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.” Al-Anbiyā’ 21:59 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong nakabalik sila at nakatagpo sila sa mga anito nila na winasak na, nagtanong ang iba sa kanila sa iba pa: "Sino ang nagwasak sa mga sinasamba natin? Tunay na ang sinumang nagwasak sa mga ito ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan yayamang hinamak niya ang karapat-dapat sa pagdakila at pagbabanal."