Nagkaloob Kami para sa kanya kina Isaac at Jacob bilang dagdag. Lahat ay ginawa Naming mga maayos. Al-Anbiyā’ 21:72 ⧉
Tafsīr:
Ipinagkaloob para sa kanya si Isaac nang dumalangin siya sa Panginoon niya na tustusan siya ng anak. Ipinagkaloob para sa kanya si Jacob bilang karagdagan. Bawat isa kina Abraham, anak niyang si Isaac, at [apo niyang] si Jacob ay ginawang mga maayos na mga tagatalima kay Allāh.