Gumawa Kami sa kanila bilang mga tagapanguna na pumapatnubay sa pamamagitan ng utos Namin. Nagkasi Kami sa kanila ng paggawa ng mga kabutihan, pagpapanatili ng dasal, at pagbibigay ng zakāh. Laging sila sa Amin ay mga tagasamba. Al-Anbiyā’ 21:73 ⧉
Tafsīr:
Ginawa sila bilang mga tagapanguna na napapatnubayan sa pamamagitan nila ang mga tao. Nag-aanyaya sila sa mga tao sa pagsamba kay Allāh lamang ayon sa isang pahintulot mula sa Kanya – pagkataas-taas Siya. Kinasihan sila, na [sinasabi]: "Gumawa kayo ng mga kabutihan, magsagawa kayo ng dasal ayon sa pinakalubos na paraan, at magbigay kayo ng zakāh." Laging sila sa Amin ay mga nagpapaakay.