Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 26 sa 78 • Tagalog


وَإِذْ بَوَّأْنَا لِإِبْرَاهِيمَ مَكَانَ الْبَيْتِ أَنْ لَا تُشْرِكْ بِي شَيْئًا وَطَهِّرْ بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْقَائِمِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ 26
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagtalaga Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay, na [nagsasabi]: “Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapalibot, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa. Al-Ḥajj 22:26
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, noong naglinaw Kami para kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng pook ng Bahay at mga hangganan nito matapos na ito dati ay di-nalalaman. Nagkasi Kami sa kanya: "Huwag kang magtambal sa pagsamba sa Akin ng anuman bagkus sumamba ka sa Akin lamang at magdalisay ka ng Bahay ko mula sa mga karumihang pisikal at espirituwal para sa mga pumapalibot dito at mga nagdarasal dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 25 Susunod Al-Ḥajj • Talata 27