Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 5 sa 78 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي رَيْبٍ مِنَ الْبَعْثِ فَإِنَّا خَلَقْنَاكُمْ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ مِنْ مُضْغَةٍ مُخَلَّقَةٍ وَغَيْرِ مُخَلَّقَةٍ لِنُبَيِّنَ لَكُمْ ۚ وَنُقِرُّ فِي الْأَرْحَامِ مَا نَشَاءُ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ثُمَّ نُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوا أَشُدَّكُمْ ۖ وَمِنْكُمْ مَنْ يُتَوَفَّىٰ وَمِنْكُمْ مَنْ يُرَدُّ إِلَىٰ أَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْلَا يَعْلَمَ مِنْ بَعْدِ عِلْمٍ شَيْئًا ۚ وَتَرَى الْأَرْضَ هَامِدَةً فَإِذَا أَنْزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَاءَ اهْتَزَّتْ وَرَبَتْ وَأَنْبَتَتْ مِنْ كُلِّ زَوْجٍ بَهِيجٍ 5
Pagsasalin:
O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo. Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa katindihan ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos na ng isang kaalaman, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumalago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring marilag. Al-Ḥajj 22:5
Tafsīr:
O mga tao kung mayroon kayong pagdududa sa kakayahan Namin sa pagbubuhay sa inyo matapos ng kamatayan, magnilay-nilay kayo sa pagkakalikha sa inyo sapagkat lumikha Kami sa ama ninyong si Adan mula sa alabok. Pagkatapos lumikha Kami sa mga supling niya mula sa punlay na ibinubuga ng lalaki sa sinapupunan ng babae. Pagkatapos nagbabagong-anyo ang punlay na nagiging namuong dugo. Pagkatapos nagbabagong-anyo ang namuong dugo para maging isang piraso ng laman na nakawawangis ng piraso ng lamang nginuya. Pagkatapos nagbabagong-anyo ang piraso ng laman na maaaring para maging isang nilikhang lubos, na mananatili sa sinapupunan hanggang sa lumabas na isang sanggol na buhay, at maaaring para maging isang nilikhang hindi lubos, na ilalaglag ng sinapupunan. [Ito ay] upang maglinaw Kami sa inyo ng kakayahan Namin sa paglikha sa inyo sa mga antas. Nagpapatatag Kami sa loob ng mga sinapupunan ng niloloob Namin na mga fetus hanggang sa isilang ito sa isang panahong tinakdaan, na siyam na buwan. Pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo bilang mga bata. Pagkatapos upang makarating kayo sa kalubusan ng lakas at isip. Mayroon sa inyo na namamatay bago niyon. Mayroon sa inyo na nabubuhay hanggang sa umabot sa edad ng pag-uulyanin kung kailan humihina ang lakas at humihina ang isip hanggang sa maging higit na masahol sa kalagayan kaysa sa bata, na hindi na nakaaalam ng anuman mula sa dating nalalaman. Nakakikita ka na ang lupa ay tuyot, na walang halaman dito, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ng ulan ay namumukadkad ito sa mga halaman, umaangat ito dahilan sa paglago ng mga halaman nito, at nagpapalabas ito ng bawat klase ng mga halamang marikit ang tanawin.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 4 Susunod Al-Ḥajj • Talata 6